Sat, 24 Aug 2019

Tagalog News: 2nd PWD Job Fair, ginanap sa lungsod ng Naga

Philippine Information Agency
16 Jul 2019, 04:38 GMT+10

LUNGSOD NG NAGA, Hulyo 15 (PIA) - - Pormal ng binuksan ngayong Lunes, ang 2nd Persons With Disability (PWD) Job Fair sa SM City Naga Event Center. Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng ika-41st National Disability Prevention and Rehabilitation (NPDR) Week at ng Bicol Business Month ngayong buwan.

Ang 2nd PWD Job Fair sa Naga City ay naglalayon na pahalagahan ang kontribusyon ng mga may mga kapansanan at kilalanin ang kanilang kakayahan at sipag maging ang kanilang kontribusyon sa komunidad.

Tinitingnan ng mga organizers na isang malaking oportunidad ang pwedeng maidulot ng naturang aktidad sa sector ng mga PWD.

Ayon kay Naga City Councilor at Chairperson ng Committee on Persons With Disability na si Councilor Elmer Baldemoro, nagpapasalamat siya sa mga katuwang nila, particular ang local na lungsod ng Naga ng LGU-Naga City sa pamagitan ng Rotary Club of Naga City at Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) sa pagpapatuloy ng PWD Job Fair sa Naga City.

Ayon pa kay Baldemoro, noong nakaraang taon, halos 40 PWDs ang nabigyan ng malaking oportunidad na makapagtrabaho sa ibat-ibang lokal na kompanya dito sa lungsod at mas inaasahan pa nilang madadagdagan pa ito ngayong taon.

Ipinaliwanag ni Baldemoro na mas nagiging aktibo ang mga negosyante na lumahok sa Job Fair dahil may ibinibigay ang gobyerno na tax incentives sa kanilang pagnenegosyo.

Ang iba pang nagbigay mensahe sa pagbukas ng naturanf aktibidad ay sina Bicol Business Month 2019 Chairperson Gloria Alicia Veloso, Rotary Club of Naga City President Engr. Dennis Caramoan at Metro Naga Chamber of Commerce and Industry (MNCCI) President Ferdinand Sia. (dabad-PIA5/Camarines Sur)

More North America News

Access More

Sign up for North America News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!